...Kakaunti lamang ang kanyang pera?Ang bawat tao ay may karapatan ihayag ang sarili para mapansin ng lipunan. Pero laging tatandaan, nasa tamang lugar, salita, oras, kilos, pananamit at kaugalian ang pagiging tunay na sosyal.Ito ang mga sumusunod na gabay sa pagiging Sosyal:1.) Iwasan mag-English (French, Japanese, etc.) kapag hindi kinakailangan. (Jeep, elevator, bus, simbahan, etc.)2.) Walang masama pumorma, o maging metrosexual; tandaan, wala sa brand ng damit ang kagandahan ng kasuotan, nasa nagdadala at sa pagdadala din.3.) Iwasan magkulay ng buhok (Blonde, Highlights, Red). Para hindi mapagkamalang Entertainer sa Japan.4.) Kapag may susunduin sa paliparan (airport), iwasan magsama ng buong angkan sa pagsundo. Dala-dala ang mga kaldero, water jag, plato, kanin, natila magpipicnic sa parking lot ng airport.5.) Observe personal hygiene. Laging malinis sa katawan kahit baduy pumorma.6.) Kapag ikaw ay nasa party, iwasan kumuha ng pagkain para ibaon mo sa bahay.7.) Huwag umutang para lang sa iyong luho.8.) Kung hindi mo kayang magkawang-gawa, iwasan mag-alipusta ng mga tao.(Manglilimos, squatters, jologs)9.) Kung tubig lang ang oorderin mo sa Bar, Huwag ka na lang mag-order.10.) Hindi takot magbayad ng entrance fee sa mga bars, concerts, bath houses, sinehan, etc.11.) Marunong mag-ipon o magtipid.12.) Iwasan makisali sa mga Network Rivalries. (Kapuso o Kapamilya)13.) May sense kausap. May pakialam sa paligid niya. (Environment, Politics, Current Events, Sports)14.) Kapag may kusang magsauli ng tray sa bin sa mga fast food.15.) Hindi sugapa sa mga freebies lalong lalo na sa mga bottomless drinks.16.) Iwasan magsungit sa mga waiter/ress, kahera o sales lady. Maliban lang sila ang nagsungit. Laging magpapasalamat sa kanilang serbisyo.17.) Huwag dumura at mangolangot kung saan-saan. Takpan ang bibig kapag uubo, babahing, hihikab, o kahit mag-tutoothpick.18.) Huwag magmarunong, ugaliing magtanong.19.) Iwasan magmura, magbanggit ng mga salitang bading o salitang kalye. Iwasan maging palengkera at burikak.19.) Marunong tumangkilik ng gawang Pinoy. (Movies, Books, Crafts, Etc.)20.) Magkaroon ng iterest sa Sports, hindi puro porma lang sa Gym.21.) Iwasan ma-star struck sa mga dayuhan at artista.22.) Marunong mag-appreciate ng iba't ibang klaseng sining (arts) tulad ng Painting, Dance, Theater, Classical Music, etc.23.) Dapat ikaw ay may trabaho o negosyo at may pangarap sa buhay. Hindi puro porma lang.24.) Huwag magpintas ng tao kung ang sarili mo ay kapintas-pintas.25.) At higit sa lahat, hindi mo babasahin ang mga ito, kung alam mong sosyal ka na.Hindi batayan ang pera, itsura, pagiging galante, posisyon, trabaho, gamit, kayamanan o pisikal na kaanyuan ang pagiging Sosyal. Ang importante ay ang pakikitungo mo sa tao, at ang respetona ibinabalik sa iyo.Nasusukat iyan sa tamang pagkilos, pananamit, pagsasalita at pag-iisip ang pagiging sosyal.Special thanks to: Michael122@g4m
|
|
---|