.:[Double Click To][Close]:.

Crisis Management Video

Niloko ka niya. Iniwan. Ilang gabi mo siyang iniyakan. At kahit sinasabi mo sa friends mong naka-move on ka na, sa puso mo alam mong may puwang pa rin siya. Hanggang isang araw, hindi inaasahan, nagkita uli kayo. Sa mall. O kaya sa church. O kung talagang minamalas ka, sa jeep. Guwapo pa rin siya. Nakakatunaw pa rin ang ngiti. Kung pwede lang, gusto mo siyang yakapin uli. In fact, kung magso-sorry lang siya, baka matukso kang makipagbalikan. Kaso... may kasama siyang bagong jowa! At sweet sila sa isa't isa, nagbubulungan, naghahagikgikang parang mga probinsiyanang birhen. Samantalang ikaw, nag-iisa.Anong gagawin mo? Maghe-hello at magpe-pretend na ok? O magdarasal na sana kainin ka na lang bigla ng lupa?Walang dapat ipangamba. Narito ang instructional video sakaling dumating nga ang araw na kinatatakutan mo. Panoorin at pag-aralang mabuti ang step-by-step demo ng mga bagay na dapat mong gawin oras na magkita uli kayo ng ex mo. Pramis, siguradong wagi ka dito.
Source: KUWAN